Friday, March 09, 2007
isang pagbati

isang pagbati

Ako, si Sisa, isang babaeng luray-luray ang kinatay na pagkatao. Nais kong maibahagi ang ipit kong mga sigaw, na nagtatago sa kaibuturan ng hungkag kong puso. Alam ba ninyong matagal na akong naliligaw? Matagal na akong nangungulila? Crispin at Basilio bakit nawala pa kayo? Dahil sa inyo nararamdaman ko ngayon ang kawalan ko ng silbi, ang kawalan ko ng saysay.

Minsan nasabi ko na sa aking sarili: "Paalam sa inyo. Paalam sa mundo."


`gwen* thought hard on 7:07 AM.
27 comments




pagsubok ko ito

Pagpapakadalubhasa

Tinangka kong sumalat ng
katha

dilat
ang mga matang
tumirik

pawisang
mga palad nagsimulang
manginig

walang humpay na
pakuskos na pagbubura
sa papel kong gula-gulanit na

))__))


Babalang Pasadya

Ang pag-ibig ay para sa baliw:
pagluhang tulad ng sa sawi,
pagsukong masakit lunukin,
pag-asang ako'y iyong lalasingin.

Labels:



`gwen* thought hard on 7:01 AM.
0 comments